Huwebes, Hulyo 21, 2016

Ang Aking Talambuhay

       Ako si Sam David Dizon Ollanda, ipinanganak noong Marso 16, 1999 sa lunsod na dakila (San Pablo) kina Grace Encarnita Dizon Ollanda at Ferdinand Lamud Ollanda. Mayroon akong dalawang kapatid, si Laurice, ang panganay, at si Ferdie, ang pangalawa (pang gitna).

       Noong ako'y nasa murang edad pa lamang, ako ay isang mahiyaing bata. Bihira akong makipagusap sa mga ibang tao. Halimbawa na nito ang mga bisita, kamag-anak at iba pa. Kalimitan ako ay laging nasa kwarto pag mayroong bisita sa aming bahay at kapag naman nasa ibang bahay ako ay laging nasa tabi o likuran ng aking mga magulang o kaya mga kapatid. Ngunit sa paglipas ng panahon naiibsan ko na ang aking pagkamahiyain dahil sabi nga sa akin nga mga kamag-anak ko na mas mabuti tingnan ang isang tao kung hindi ito mahiyain. Kaya simula noong araw na ako'y mabigyan payo nila, unti-unti na akong natutong makisalamuha sa ibang tao.

       Noong ako'y nagsimula na sa aking pag-aaral, maraming mga pagsubok ang dumating sa akin. Dito na nagsimula ang aking pagiisip sa mga bagay na pwedeng maging solusyon sa mga ito. Ito ang isa sa naging instrumento ko upang ako'y lumaking maging mabuti at maparaang tao. Ang aking pinagdaanan at naging karanasan sa sekondaryang paaralan (high school) ay isa sa maituturing kong pinakamahalaga sa lahat, sapagkat ito ay ang mga taong naranasan ko ang tunay na kahulugan ng kasiyahan kung saan ako'y nakatanggap ng mga karangalan noong araw ng "recognition" at iba pang araw ng pagpapangaral sa mga estudyante. At sa bagay ding ito naransan ko ang kalungkutan sa mga bagay na tulad ng pag-ibig sa iyong kapwa dahil sa labis mong pag-aalala sa kanila. Ngunit, ito lang talaga ang hinding-hindi ko makakalimutan, ang makapagtapos ng pag-aaral para sa aking mga magulang at sa aking pamiya.

       Sa pangkalahatan ng aking mga naging parangal sa buhay, masasabi kong ito ang naging produkto ng aking paghihirap sa aking pag-aaral. Ito ang nagsilbing inspirasyon ko upang ako'y gumawa ng mga bagay na nagbibigay sa akin ng mga kasiyahan at pagbibigay parangal sa aking mga magulang at kamag-anak.

       Marami akong nahiligan noong ako'y nasa murang edad pa lamang. Ngunit ang paglalaro ng "basketball" ang s'yang nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng kasiyahan sa mga sports o mga hilig sa buhay. Mahilig din akong gumawa ng mga gawaing bahay na nagsisilbing kasanayan ko sa aking pagtanda. Pero sa lahat-lahat, ang pag-aaral ang aking nananatiling aking hilig sa lahat ng bagay. Mahirap man o nakakatamad sa umpisa, ngunit ito ay aking nilalabanan sapagkat ito ang pinakamahalagang instrumento upang ako'y mamuhay ng mabuti at masaya.

       Sa buhay ko ngayon, marami pa akong dapat pang matutunan. Ito ang magbibigay sa akin upang makamit ko ang aking mga pangarap para ako'y maging matagumpay, hindi lang sa aking sarili, kundi rin sa aking kapwa.

25 komento:

  1. Haba naman po pere ang galing niyo po

    TumugonBurahin
  2. Maraming Salamat sa pagnahagi ng iyong Talambuhay. Mabuhay ka!!

    TumugonBurahin
  3. ltobet
    Good I appreciated your work very thanks

    TumugonBurahin